GMA Logo Elijah Alejo and Chanda Romero in 'Prima Donnas'
What's on TV

'Prima Donnas' breaks highest rating record anew

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 5, 2021 5:24 PM PHT
Updated February 5, 2021 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo and Chanda Romero in 'Prima Donnas'


Napanood n'yo ba ang highest rating episode ng 'Prima Donnas'? Kung hindi pa, panoorin DITO:

Record-breaking ang February 4 episode ng hit afternoon drama na Prima Donnas kung saan unti-unti nang nabibisto nina Jaime (Wendell Ramos) at Lady Prima (Chanda Romero) kung sino ang kasabwat ni Brianna (Elijah Alejo) sa pagpapanggap niya bilang isang Claveria.

Ayon sa NIELSEN PHILS. TAM NUTAM PEOPLE RATINGS, nagtala ang Prima Donnas ng 13.4%, ang pinakamataas na ratings na nakuha ng show.

Matagumpay rin ang dalawa pang programa ng GMA Afternoon Prime na Magkaagaw at Bilangin ang Bituin sa Langit na nakakuha ng 9.7% at 10.7%.

Sa February 4 episode ng Prima Donnas, patuloy pa rin na pinagtatakpan ni Brianna ang kanyang inang si Kendra (Aiko Melendez) kahit na pinapalayas na siya sa bahay ng mga Claveria.

Nang komprontahin ni Jaime si Brianna kung sino ang nasa likod ng panloloko niya, ituro niya si Henry (Marcus Madrigal) bilang mastermind, ang kanyang totoong ama.

Watch the full February 4 episode of Prima Donnas:

Patuloy na panoorin ang lalong tumitinding mga rebelasyon sa huling dalawang linggo ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.

Samantala, tingnan ang 'Prima Donnas' teen actress sa nakatutuwang mga larawan dito: