GMA Logo
What's on TV

'Prima Donnas,' panalo sa TV ratings!

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 23, 2019 7:39 PM PHT
Updated December 23, 2019 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon sa NUTAM People Ratings noong Martes, Oktubre 22, lamang ang 'Prima Donnas' sa katapat nitong programa sa kabilang network.

May bago nang mga prinsesa ang Afternoon Prime dahil wagi sa television ratings ang October 22 episode ng Prima Donnas.

Ayon sa NUTAM People Ratings noong Martes, Oktubre 22, lamang ang Prima Donnas sa katapat nitong programa sa kabilang network.

Taos puso naman ang pasasalamat ng mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Ani Jillian, "Super happy talaga kasi pinaghihirapan po naming lahat 'yan sa set. Lahat po kami may teamwork and talagang nagtutulungan kahit gaano na kahirap ang mga eksena.

"Pero syempre, si God po talaga main reason. So thank you, Lord!!"

Pangako naman nina Althea at Sofia na mas lalo pa nilang gagalingan ang bawat eksena nila sa Prima Donnas.

"Mas lalo pa po naming gagalingan. Mabait si Papa God basta 'wag lang lalaki ang ulo," saad ni Althea.

Dagdag ni Sofia, "Sana po magtuloy-tuloy! To God be all the glory!"

Tutukan ang mas lalong tumitinding eksena sa Prima Donnas, weekdays, pagkatapos ng Magkaagaw.