What's on TV

'Prima Donnas Season 2,' mapapanood na sa Lunes!

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 11, 2022 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Family clock cleaned in time for Rizal Day
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

prima donnas season 2


Director Gina Alajas sa lead characters ng 'Prima Donnas Season 2,' "Oras na yata para magkaroon na sila ng love interest at magkaroon na sila ng kilig-kilig sa istorya nila."

Muling mapapanood ang ikalawang season ng top-rated afternoon drama na Prima Donnas simula Lunes, January 17.

Ayon sa direktor nitong si Gina Alajar, dapat abangan ang pagbabalik ni Sofia Pablo bilang si Donna Lyn.

Saad niya sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, "Kumpletong kumpleto na sila, Nelson. Pinakita natin na dumating si Donna Lyn mula sa Australia. Kumpleto silang tatlong magkakapatid plus si Brianna, kumpleto silang apat kaya medyo mainit na naman 'yung istorya nung apat na bida nating babae."

Bukod kay Sofia, muli ring makakasama nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo sa Prima Donnas Season 2 sina Will Ashley, Vince Crisostomo. Allen Ansay, Bruce Roeland, at Julius Miguel.

Dagdag ni Direk Gina, "Oras na yata para magkaroon na sila ng love interest at magkaroon na sila ng kilig-kilig sa istorya nila. And I hope [the public] would like it, cute naman ang tatlong Donnas."

Abangan ang world premiere ng Prima Donnas Season 2, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga!