
Nag-react si Kapuso teen actress Elijah Alejo sa ilang assumptions na masungit siya sa personal.
Sa kanyang vlog, pinaliwanag ni Elijah Alejo na hindi siya masungit at mataray sa personal. / Source: itselijahalejo (IG)
Kilala kasi ang karakter ni Elijah sa Prima Donnas na si Brianna sa pagiging mataray.
“Ako po, masungit po ako 'pag, you know, it's that time of the month,” paglilinaw ni Elijah sa kanyang vlog.
“Pero hindi naman po ako masungit kapag normal days.”
Sa katunayan, kinuwento ni Elijah na isa siya sa pinakamakulit sa set ng Prima Donnas lalo na kung komportable na siya sa mga tao.
Dagdag niya, clingy rin siya at parating nakayakap sa kanyang mga kaibigan.
“Clingy po ako, lalo na po 'kung super close po tayo, lagi po akong nakayakap po sa'yo, lagi po akong nakahawak po sa'yo,” saad niya.
“Ganun po ako ka-clingy.”
Panoorin ang ilan pang assumptions na sinagot ni Elijah sa kanyang vlog:
Elijah Alejo, napagalitan noon ni Zoren Legaspi sa 'Shake, Rattle, and Roll'
'Prima Donnas' star Elijah Alejo gets emotional as fans celebrate Elijahnatics' 9th anniversary