What's Hot

'Prima Donnas' stars Katrina Halili at Benjie Paras, maintindihan kaya ang Gen Z slang words?

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 1, 2020 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and Benjie Paras


Ayon kay Benjie Paras, ang ibig sabihin ng SKL ay 'Sa Kwarto Lang.' Mahulaan kaya niya at ni Katrina Halili ang iba pang Gen Z slang words?

Sumakit ang ulo ng mga batikang aktor na sina Benjie Paras at Katrina Halili nang hamunin sila ng hosts ng Kapuso ArtisTambayan na sina Yasser Marta at Betong Sumaya at tanungin kung ano ang ibig sabihin ng ilang Gen Z slang tulad ng 'SKL,' 'Awit,' 'HM,' at iba pa.

Sa kanilang guesting sa Kapuso ArtisTambayan noong Biyernes, August 28, sinabi ni Benjie na ang ibig sabihin ng 'SKL' ay 'Sa Kwarto Lang,' malayo sa totoong ibig sabihin nito na 'Share Ko Lang.'

Mahulaan pa kaya nina Benjie at Katrina ang iba pang Gen Z slang tulad ng 'FML' at 'Lit'?

Panoorin ang kanilang nakakatuwang guesting sa Kapuso ArtisTambayan:

Kasalukuyang mapapanood sina Katrina at Benjie sa top-rating Kapuso afternoon drama na Prima Donnas, pagkatapos ng Ika-6 na Utos.

Bukod sa pagiging host ng Kapuso ArtisTambayan, parte si Yasser ng Bilangin ang Bituin sa Langit kasama sina Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara.

Mapapanood naman tuwing Linggo sa All Out Sundays si Betong kasama ang iba pang Kapuso stars.

'Prima Donnas' teen stars, sinubukang umarte gamit ang '90s slang