What's on TV

'Prima Donnas' teen stars, nanibago sa kanilang 'lock-in taping'

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 4, 2020 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas teen stars


Aminado ang teen stars ng 'Prima Donnas' na malaking adjustment para sa kanila ang nangyaring 'lock-in taping' ng kanilang show. Bakit kaya?

Kinuwento ng teen stars ng hit afternoon show na Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, Vince Crisostomo, at Will Ashley ang kanilang karanasan sa "new normal" pagdating sa pagte-tape ng mga programa.

Nagkaroon kasi ng 21-day 'lock-in taping' ang Prima Donnas sa Antipolo, Rizal kung saan hindi sila pwedeng umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Kuwento ni Jillian, na gumaganap bilang Donna Marie, mas naging malapit ang cast members at production crew sa isa't isa dahil lagi silang magkakasama sa set.

Aniya, "Masaya kasi parang mas naging close po kaming lahat, kami nung mga staff, mga artista, kumbaga ilang days po kami doon, parang 21 days po kami doon, sabay sabay nagdi-dinner, pero siyempre may social distancing."

Para kina Althea at Elijah, ang mga gumaganap na Donna Belle at Brianna, challenging ang pagsusuot ng face shield at face mask habang nasa set.

Kuwento ni Althea, "Before po kasi, siyempre, may uwian, ganyan, pero ito naka-lock-in kami sa isang place, magkakasama kaming lahat."

Dagdag ni Elijah, "Naninibago po ako kasi bigla po kaming may mask, may face shield, social distancing, bawal po 'yung mga beso beso or any physical contact."

"Siyempre po parang, 'Ay! Oo nga, bawal na nga pala.'

"Minsan po may mga times na, nasanay po kasi kami magbeso beso, magbebeso po kami bigla sa isa't isa tapos po bigla kaming, 'Ay! Social distancing, social distancing, nope."

Enjoy rin naman sina Vince at Will sa nangyaring 'lock-in taping' dahil muli silang nagkita-kita matapos ang ilang buwan.

Kuwento ni Vince, "Sa taping, actually sobrang saya siya dahil nagkita-kita na kaming lahat."

"'Yung mga co-actors ko po, si direk [Gina Alajar], 'yung prod, lahat kami na-miss 'yung isa't isa."

Masaya rin si Will na walang nagkasakit sa kanilang lahat habang naka-lock-in taping.

Saad niya, "Medyo naninibago lang gawa nung maraming rules talaga na kailangan mag-ingat talaga sa taping."

"Pero naging maganda naman 'yung takbo, nagawa naman namin ng maayos 'yung taping nang walang naapektuhan or kahit ano mang nadapuan ng sakit.

"Lahat kami naging healthy pa rin pagkatapos nung taping at saka enjoy pa rin siya.

"Kahit na talagang mahigpit ngayon, nakakagawa pa rin namang mag-bonding pero siyempre, name-maintain pa rin 'yung social distancing."

Kinuwento rin nina Jillian, Althea, Elijah, Vince, at Will kung anu-ano ang ginawa nilang safety precautions sa 'lock-in taping.'

Panoorin ang buong interview sa video sa itaas. Kung hindi mo mapanood ang video, pumunta dito.

Simula November 9, mapapanood na ang fresh episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.