What's on TV

'Prima Donnas' teen stars, sinubukang umarte gamit ang '90s slang

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 21, 2020 7:05 PM PHT
Updated August 5, 2020 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas Watch From Home


Magawa kaya nina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, at Vince Crisostomo na umarte habang ginagamit ang slang na sumikat noong '90s tulad ng 'Tara Let's,' Japorms,' at 'Tom Jones?'

Sa masayang episode ng 'Prima Donnas: Watch From Home' noong Biyernes, July 17, nagkaroon ng 'generation swap' ang cast ng Prima Donnas.

Para sa teen stars, sinubukan nina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, at Vince Crisostomo na umarte habang ginagamit ang '90s slang.

Ilang halimbawa ng salitang '90s ay 'Tom Jones,' 'Tara Let's,' 'Japorms,' at marami pang iba.

Magawa kaya nilang umarte gamit ang mga salitang '90s?

Panoorin:

Para naman sa seasoned actors na sina Wendell Ramos, Aiko Melendez, Katrina Halili, at Benjie Paras, dapat gumamit sila ng millennial terms habang in-character sila.

Ang kondisyon ni Jillian, dapat ay mabigkas nina Wendell, Aiko, Katrina, at Benjie nang tama ang pronounciation ng millennial terms tulad ng 'cringe fest,' 'SKL,' 'pweds,' at iba pang mga salita.

Magagawa kaya ng mga Gen X stars ang hamon ni Jillian?

Panoorin:

Patuloy na tumutok sa 'Prima Donnas: Watch From Home' kada Biyernes sa GMANetwork.com para mapanood nang live ang masayang kulitan ng cast ng Prima Donnas.