Nagkuwento ang Kapuso Primetime King nang tungkol sa pagpunta nilang mag-asawa sa kanilang pediatrician.
By AEDRIANNE ACAR
Kahapon sa panayam ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng '24 Oras' kay Kapuso star Marian Rivera, puring-puri ng Kapuso Primetime Queen ang kanyang mister na si Dingdong Dantes dahil napaka-hands on daw nito sa lahat ng bagay at alagang-alaga daw siya ni Dong.
Pahayag ni Marian, "Siyempre nakakatuwa kasi napaka-hands on niya sa lahat ng bagay. Sabi ko nga, nung nabuntis ako hanggang ilang weeks na ko - 36 weeks - nandun siya palagi. Sobrang thankful lang talaga."
Sobrang excited na nga ng Kapuso Primetime King na finally makita ang kanyang baby girl. Sa tweet niya kahapon, nagkuwento ito nang tungkol sa pagpunta nilang mag-asawa sa kanilang pediatrician.
Meeting our Pediatrician is like meeting a new best friend. We just can't wait for the arrival of Maria Letizia:)