
Big deal para sa Sparkle heartthrob na si Prince Carlos na mapasama sa star-studded cast ng GMA Prime series na The Master Cutter.
RELATED CONTENT: Learn more about the promising Sparkle actor Prince Carlos
Successful ang world TV premiere ng naturang action-packed series na pinagbibidahan ni Mr. Dingdong Dantes at nag-number one sa top TV show sa streaming platform na Netflix.
Ayon sa former De La Salle - College of Saint Benilde Blazer guard na 'grateful' siya sa opportunity na mabigyan ng ganitong project.
Kuwento niya sa GMA Network.com: “Sobrang grateful ako to be part of this amazing cast, kasi siyempre nu'ng sinabi pa lang sa akin, nu'ng nalaman ko kung sino 'yung mga [kasama ko], ginrab ko na agad. Very excited na agad ako, siyempre Kuya Dingdong [Dantes], you have Kuya Ketchup [Eusebio]. It's my chance to learn from them and siyempre as a newer actor, ayun 'yung chance ko na mag-grow and matuto sa kanila.”
Enjoy din si Prince na makasama ang mga seasoned actors sa The Master Cutter tulad na lang ni Paolo Contis na ginagawang relaxed at magaan ang atmosphere sa kanilang taping.
Binuko rin ng Sparkle actor, kung gaano kakulit si Paolo. Aniya, “Si Kuya Pao kasi, bago mag-eksena papatawa lang 'yan e. So, minsan mahirap ka-eksena si Kuya Pao. Kasi, magpapatawa 'yan on the set. E ako, hindi pa ako kagaling, so I have to focus.
“Pero siyempre sinasabihan nila ako na I really have to work hard, hindi lang sa set, but outside sa set. Kailangan ko mag-workshop and aralin ko talaga 'yung character and 'yung role ko talaga.”
Abangan si Prince Carlos bilang si Gavin sa The Master Cutter pagkatapos ng 24 Oras. Mapapanood din ang delayed telecast ng GMA Prime soap sa GTV sa oras na 9:45 p.m.
RELATED CONTENT: Strong chemistry powers 'The Master Cutter' cast