GMA Logo Prince Carlos
Photo by: Sparkle GMA Artist Center; scenesandjourneys (IG)
What's Hot

Prince Carlos, sinorpresa ng fans sa isang special birthday fan meet

By Aimee Anoc
Published July 7, 2026 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chiz Escudero stands by his ruling: 16 votes needed to convict Sara Duterte
Foreign exchange rate, July 7, 2026 | Ratsada Balita
On the Spot: Gabbi Garcia ate at these Paris restaurants during her solo trip

Article Inside Page


Showbiz News

Prince Carlos


Tingnan ang inihandang surprise post-birthday celebration ng fans para kay Prince Carlos dito.

Extended ang birthday celebration ng The Master Cutter actor na si Prince Carlos dahil kamakailan lamang ay nakatanggap siya ng sorpresa mula sa kanyang fans.

Ramdam na ramdam ni Prince ang pagmamahal at suporta sa kanya ng fans, ang Prince Royalties, nang magsama-sama ang mga ito para sorpresahin siya sa isang special birthday fan meet.

Ngayong Martes (July 7), ipinakita ng Sparkle ang ilang masasayang moments ni Prince sa naganap na surprise birthday celebration kasama ang fans.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sa Instagram, ibinahagi ng Prince Royalties Official ang video ng birthday surprise kay Prince, kung saan makikita ang saya ng aktor nang makita ang fans. Kinantahan din siya ng mga ito ng birthday song.

"Surprise post-birthday celebration pala. We hope na na-surprise ka talaga @princetcarlos. Happy belated birthday, Prince! We love you so much!" sulat ng Prince Royalties Official.

A post shared by PRINCE ROYALTIES OFFICIAL (@princeroyaltiesofc)

Noong June 13, ipinagdiwang ni Prince ang kanyang 26th birthday.

Samantala, subaybayan si Prince Carlos sa The Master Cutter, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA, GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies.