
Sa Daig Kayo Ng Lola Ko, labis ang tuwa ni Sofia (Sanya Lopez) nang makilala niya si Liam (Gi Cuerva), ang batang taga-lupa na nakilala niyo noon.
Pero sa kabila ng angking kaguwapuhan ni Liam, may masamang plano pala siya sa mermaid princess na si Sofia.
At pumayag pa ito na makipagsabuwatan kay Odessa (Maureen Larrazabal) para makakuha pa ng mas maraming sirena.
Malalaman kaya ni Sofia na huwad lamang ang kabaitan na ipinapakita ni Liam? Balikan ang mga pinusuan na eksena sa Daig Kayo Ng Lola Ko last February 23.