
Sina Prince Clemente at Mosang ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Hatid nila ang isang heartwarming family story sa episode na pinamagatang "Wrong Number, Right Family."
Gaganap si Prince bilang Mark, insurance agent na nag-iisa sa buhay. Si Mosang naman ay si Edith, nanay na nasalanta ng bagyo at naghahanap ng nawawala niyang anak sa Maynila.
Aksidenteng matatawagan ni Edith ang phone number ni Mark at mapapadpad pa sa bahay nito habang hinahanap ang anak niya.
Noong una ay perwisyo ang tingin ni Mark kay Edith pero lalambot din ang kanyang puso at tutulungan ito sa paghahanap.
Makikita kaya nina Mark at Edith ang mga hinahanap nila?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Wrong Number, Right Family," December 7, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.