
Opisyal nang ipapahintulot sa darating na August 1 ang pagbubukas ng ilang establisiyemento gaya ng wellness centers na gym at fitness studios sa mga lugar na nasa general community quarantine. Ito ay base sa isang TeleRadyo interview ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ngayong araw, July 29.
Ngunit sa lumolobong kaso ng COVID-19 sa bansa, ligtas sabihing mas makakabuti para sa bawat indibidwal na manatili muna sa bahay para maiwasan ang contact activities.
Buti na lamang ay available online ang mga workout videos na maaaring sundan ng mga nais magkaroon ng fit na pangangatawan kahit na may pandemya.
Isa riyan ang magaganap na livestream ng fitness buff na si Prince Clemente para sa ninth episode ng online show ng Descendants of the Sun PH na 'DOTS How You Do It.'
Ibabahagi ng Kapuso star ang kanyang home workout routine sa Huwebes, July 30, 7 p.m., live sa Facebook page ng DOTS Ph.
Ituturo ni Prince ang mga bagay na makikita sa bahay na pwedeng gamiting alternative sa ilang gym equipment.
Bago pa man siya magsasagawa ng livestream workout class, mahilig na mag-post si Prince ng kanyang workout videos para ma-inspire ang kanyang fans to stay in shape ngayong may COVID-19 crisis.
Ilan sa mga paboritong workout ni Prince ay strength training at cardio exercises.