GMA Logo Prince Clemente in Starstruck
Source: princeclemente18/IG
What's on TV

Prince Clemente, 'napadpad lang' noon sa audition ng 'StarStruck'

By Kristian Eric Javier
Published January 10, 2026 5:00 PM PHT
Updated January 10, 2026 7:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CIDG: 15 of 18 accused in missing sabungero case now under custody
'Tigkiliwi' joins prestigious Fantasporto 2026 film festival in Portugal
Byron Garcia's plaint vs Cebu guv in alleged SWAT uniform junked

Article Inside Page


Showbiz News

Prince Clemente in Starstruck


Hindi umano sinadya ni Prince Clemente ang mag-audition noon sa 'StarStruck!' Paano kaya siya napunta dito?

Ibinuko ni Althea Ablan ang boyfriend na si Prince Clemente na “napadpad lang” umano ito sa audition ng hit reality artista search na StarStruck.

Matatandaan na parte ng ika-anim na season ng reality show si Prince noong 2015 kung saan ilan sa mga nakasama niya ay sina Yasser Marta, Nikki Co, Klea Pineda, at Arra San Agustin.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, January 9, ibinahagi ni Prince na hanggang ngayon ay in-touch pa rin siya sa kaniyang mga ka-batch sa naturang show.

“Actually, halos lahat po sila, kahit 'yung mga hindi na active din, talagang mga barkada ko pa rin,” sabi ng aktor.

Sa kanilang kuwentuhan, binuko siya ni Althea, “Actually, Tito Boy, hindi niya alam na nag-a-audition siya para sa talent search.”

Pagpbabahagi ni Prince, tinawagan siya noon ng kaniyang manager at pinapunta sa GMA para mag-audition dahil kailangan umano ng talents.

Para sa kaniyang audition, ang ginawa ni Prince, “Ayun po, 'yung pinasayaw-sayaw po. Hindi ko nga po alam kung bakit ako sumasayaw diyan, e. A, naalala ko na po, nag-play sila ng song du'n tapos sabi nila, 'Mag-freestyle ka lang.'”

RELATED CONTENT: MAS KILALANIN PA SI PRINCE CLEMENTE SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa usapin naman ng kaniyang karera, inamin ni Prince na may mga pagkakataong napapaisip siya kung masaya pa ba siya sa tinatakbo nito. Ngunit sa huli, nangingibabaw pa rin umano ang pagiging thankful niya sa GMA at sa Sparkle para sa mga oportunidad na nabigay sa kaniya.

“Kasi kahit sabihin po na in 10 years hindi po ako bida, pero po the fact na umabot po ako ng 10 years dito at hindi po ako nababakante sa loob ng isang taon or what, laging may mga tapings po so very thankful po,” sabi ni Prince.

Sang-ayon naman dito si King of Talk Boy Abunda at sinabing “Ako, ang pananaw ko bilang isang manager, kaniya-kaniya talaga e.”

Sagot naman ni Prince dito, “Opo, kaniya-kaniyang time po talaga e, so parang hindi mo po pwedeng sabihin na parang tapos na, lumipas na 'yung time mo kasi any time naman po, next year or in the next five or ten years, pUwedeng maging time mo rin po.”

Panoorin ang panayam kina Prince at Althea dito: