
Muling pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center ang former Starstruck finalist na si Prince Clemente, ngayong Huwebes ng hapon, September 26.
Present sa contract signing ng Kapuso hottie sina GMA AVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Senior Talent Manager Daryl Zamora at co-manager niya na si Lito Trinidad.
LOOK: Meet Prince Clemente, one of GMA's hottest hunks!
Sa panayam kay Prince ng GMA-7 press matapos ang contract signing, wala itong pagsidlan ng tuwa sa lahat ng opportunities na ibinagy sa kanya ng home network sa mga nakalipas na taon.
Wika ni Prince, “Sobrang saya! 'Tsaka sobrang thankful sa lahat ng oportunidad ng ibinibigay sa akin ng GMA-7, ng GMA Artist Center sa tiwala at sana tuloy-tuloy pa.”
Isa si Prince Clemente sa itinuturing na hottest hunks in showbiz.
Ayon sa guwapong aktor, mahalaga ang disiplina para ma-maintain ang fit body niya.
Dagdag pa niya na kahit pagod sa trabaho, sinisigurado niya na may oras pa rin siya sa gym.
Ani Prince, “Gym is life, pero balance naman. May time mag-gym, may time din para mag-saya.”
“Siyempre kailangan ng discipline, diet. Pero hindi naman sobrang diet naman kumbaga puwede pa rin kumain ng mga favorite food pero siguro bawas lang sa mga panget na food like mga soft drinks. 'Tsaka talagang workout, kahit pagod ka, kahit walang time talagang singit ng workout.”
Kasama si Prince Clemente sa upcoming Kapuso soap na Descendants of the Sun na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Jasmine Curtis-Smith at Rocco Nacino.