
Sa nakaraang linggo ng Prince of Wolf, buo na ang loob ni Sherwin (Derek Chang) na pansamantalang iwan ang buhay niya sa kagubatan para hanapin si Vivian.
Sa kanilang muling pagtatagpo, mararanasan muli ni Sherwin ang saya ng buhay sa labas ng kagubatan ngayong kasama na niya si Vivian at magiging parte na siya ng mundo nito.
Dahil sa mainit na pagtanggap ng pamilya ni Vivian kay Sherwin, unti-unti niyang naalala ang nakaraan niya kasama ang tunay niyang pamilya.
Samantala, isang babae ang magdidiin kay Sherwin na gumawa ng masama sa kanyang anak. Paano kaya maipagtatanggol ng binata ang kanyang sarili?