Naka one-on-one ng GMANetwork.com ang Kapuso teen star na si Prince Villanueva sa guesting niya sa Sikat sa Barangay ngayong Huwebes ng umaga, February 2.
Ayon kay Prince, ramdam daw niya na napakagaan ng atmosphere sa set ng kanyang show na Alyas Robin Hood at lahat sila ay close sa isa't isa.
“Una sa lahat masarap sa feeling kasi ito ‘yung big break ko na ano ako sa primetime, ito ‘yung una kong primetime so ‘yung atmosphere dun sa set namin okay naman, masaya kaming lahat parang magkakapamilya na ‘yung turing namin dun. Walang bad vibes, good vibes lang kami lagi.”
Lubos din ang pasasalamat ni Prince na nakakatrabaho niya ang idolo niya na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na nagbibigay ng advice sa tulad niyang nagsisimula pa lamang sa showbiz.
“Nakasama ko siya one time sa set na kaming dalawa lang, marami siyang mga advices sa akin na galingan lang ganun. Tapos mag-intay lang ng mga projects, kasi darating din tayo diyan. Marami siyang advices,” pagtatapos ng young actor.
MORE ON 'ALYAS ROBIN HOOD':
Thanksgiving mall show ng 'Alyas Robin Hood,' dinagsa ng mga Kapuso
Dingdong Dantes, nag-timeout sa taping ng 'Alyas Robin Hood' para sa birthday ni Baby Zia
Alyas Robin Hood: Girl power! | Episode 97