
Kilig at good vibes ang dala nina Princess Aliyah at Fred Moser sa kanilang video sa TikTok na inupload ng una sa kanyang account.
Mapapanood dito ang seryoso na kalaunan ay naging makulit na paggaya nina Princess at Fred sa isang romantic scene sa isang palabas.
Ganap na ganap sila hanggang sa nagkatawanan na sila sa dulong part ng TikTok video.
Labis na kinakiligan ng kanilang supporters ang naging bonding nila sa naturang TikTok clip at ang ilan ay napa-comment pa tungkol dito.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 620,000 views sa video-sharing application ang kanilang bagong nakakakilig na moment.
@princess__aliyahh 🙄@fredddmoserr ♬ wag mo silang pansinin - kisha
Sina Fred at Princess ay kilala at tinatawag na FredCess ng kanilang fans at iba pang netizens na nakasubaybay sa kanila sa outside world.
Ang FredCess ang isa sa paboritong love team ng mga Kapuso at Kapamilya viewers at netizens na tumutok sa recently concluded na teleserye ng totoong buhay.
Si Fred ay ex-housemate habang si Princess naman ay naging parte ng Ultimate 8 at itinanghal na Kapuso Fourth Big Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.