
Engrande ang 18th birthday celebration ng Sparkle actress at PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Fourth Big Placer na si Princess Aliyah na ginanap sa Manila Marriott Hotel noong Biyernes, August 7.
Star-studded ang kanyang debut na dinaluhan ng kapwa ex-PBB housemates, na naging bahagi ng kanyang 18 roses at 18 shots.
Present din sa event sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo, kasama ang iba pang GMA executives.
Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras, naging hands-on daw si Princess sa pagpaplano ng kanyang debut—mula sa kanyang pre-debut photoshoot at sa pagpili ng outfits hanggang sa food tasting at ocular ng venue, na isang buwang pinaghandaan.
Ayon kay Princess, nag-suggest siya sa kanyang magulang noong una na mag-travel na lamang para sa celebration ng kanyang birthday, pero in-encourage siya ng kanyang pamilya na ma-experience ang mag-debut.
"Sabi ng sister and ng mom ko na, 'Kami, hindi naman kami nag-debut so ikaw na lang.' Kahit na sabi ko mag-travel na lang tayo. Sabi niya, 'Hindi, para at least isa sa atin naka-experience ng ganito,'" sabi niya.
Pagbabahagi pa ni Princess, ang non-negotiable sa kanyang debut ay gusto niya itong gawing mini-concert, na nasaksihan ng mga dumalo kung saan nagkaroon siya ng performances.
Related gallery: Princess Aliyah's simple charm and effortless style shine through