GMA Logo Princess Aliyah
Courtesy: Gerlyn Mariano
What's Hot

Princess Aliyah discovers her sporty side in the Big Brother house

By EJ Chua, Kristian Eric Javier
Published March 13, 2026 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singil sa tubig ng Manila Water, Maynilad, tataas simula sa Abril 2026
Man hurt in spear attack in Bukidnon; suspect shot by responding cop
University of the Philippines Integrated School building closes due to structural integrity concerns

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Aliyah


Princess Aliyah sa kanyang sarili bilang PBB 2.0 ex-housemate: “Ang dami pala niyang [ako] tinatagong talent lalo na sa mga task."

Labis na itine-treasure ng Sparkle star na si Princess Aliyah ang mga na-experience at natutuhan niya noon sa loob ng Bahay Ni Kuya bilang isa sa Kabataang Pinoy housemates.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Princess, sinagot niya ang tanong kung mayroon siyang bagong na-discover sa kanyang sarili noong nanirahan siya sa iconic house.

Ayon kay Princess, may mga natutuhan at na-discover talaga siya sa kanyang sarili na hindi niya alam noon na kaya niya palang gawin.

Pahayag niya, “Siguro po na-discover ko sa sarili ko is ang dami pala niyang [ako] tinatagong talent lalo na sa mga task. Sa outside world kasi talaga sa bahay lang ako kasi homeschooling din ako, usually, naggigitara lang ako, nagdo-drawing.”

“Hindi ko alam na ayun sporty din naman pala ako and kaya ko rin pala maging leader,” dagdag niya.

Bago ito, napa-throwback din si Princess sa kanyang winning moment sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night.

Ibinahagi niya na sobrang unexpected ang mga nangyari sa kanyang journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 kabilang na ang pagiging parte niya ng Ultimate 8.

Si Princess at ang Kapamilya housemate na si Miguel Vergara ang itinanghal na Fourth Big Placers sa katatapos lang na edisyon ng Pinoy Big Brother.

Nakilala ang Kapuso housemate sa teleserye ng totoong buhay bilang Royal Songstress ng Bulacan at nasa listahan din ng fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang pangalan ni Princess Aliyah.