
Tila non-stop na kilig ang handog nina Princess Aliyah at Fred Moser sa kanilang fans, followers, at maging sa kanilang former housemates sa Bahay Ni Kuya.
Pinag-uusapan online ang latest videos nina Princess at Fred, kung saan mapapanood silang magkasama habang nag ti-TikTok.
Tampok dito ang kanilang nakakakilig na tinginan at makulit na gestures sa isa't isa.
Kasabay ng pagdami ng views ng clips nila together ay talaga namang marami ang nakapansin na may natural chemistry ang dalawa at ayon din sa iba pa ay bagay na bagay sila.
Ilang videos nila sa TikTok ang humahakot ng million views at patuloy silang nakatatanggap ng positive comments mula sa kanilang fans at netizens.
Narito ang ilang reaksyon sa tambalan nina Fred Moser at Princess Aliyah na kilala bilang FredCess:
@princess__aliyahh @fredddmoserr ♬ son original - Vanessa Greggio
@fredmoserr 🙄 @Princess🤍 ♬ original sound - 🎀🎀
@fredmoserr uhmmm @Princess🤍 ♬ original sound - gwyn
Source: Princess TikTok
Kabilang ang FredCess sa fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Si Fred ay ex-housemate habang si Princess naman ay naging parte ng Ultimate 8 at itinanghal na Kapuso Fourth Big Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.