
May sweet reunion ang grupong PAL na binubuo nina Princess Aliyah, Ashley Sarmiento, at Lella Ford
Sa Instagram Stories ni Princess at posts ng kanyang mommy, makikita ang videos at photos na kuha mula sa early birthday celebration ng una.
Ang birthday party ay surprise gift nina Ashley at Lella para kay Princess.
Bukod kina Ashley at Lella, spotted din sa party ang iba pa nilang former housemates sa Bahay Ni Kuya gaya nina Heath Jornales, Marco Masa, Miguel Vergara, Eliza Borromeo, Sofia Pablo, at Lee Victor.
Sulat ng mommy ni Princess sa caption ng kanyang Instagram post, “Advanced happy birthday anak. You are loved.”
Sa hiwalay na post, pinasalamatan niya ang mga kaibigan ni Princess na sina Ashley at Lella para sa inihanda nilang sweet birthday celebration para sa Sparkle star.
Matatandaang sina Princess Aliyah, Ashley Sarmiento, at Lella Ford ay nagging parte ng Ultimate 8 ni Big Brother sa recently concluded reality competition na 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'
Si Lella ang itinanghal na Kapamilya Big Winner sa teleserye ng totoong buhay, habang sina Ashley at Princess naman ang nakakuha ng mga titulong Kapuso Third Big Placer at Kapuso Fourth Big Placer.
*Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night