
Marami ang humanga sa ipinamalas na lakas at katatagan ni Princess Aliyah sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa latest episode na ipinalabas nitong Miyerkules, February 19, ipinasilip ni Kuya ang mga kaganapan sa loob ng iconic house, kung saan tampok ang pagsabak ni Princess sa malasakit task.
Dito ay kinailangan niyang magbuhat ng isang bagay na may katumbas na 10 kilos, na hindi niya dapat maibaba o mabitawan sa loob ng dalawang oras.
Habang ongoing ang malasakit task ni Princess, bumuhos ang encouraging words mula sa housemates, upang maiparamdam ang suporta at pagpapasalamat nila sa una.
Sa garden area, nagsalita ang dalawang housemates na nasa Ultimate eye platform habang nakikita nila si Princess na ginagawa ang kanyang makakaya para magtagumpay sa task.
“Thank you, Princess kung naririnig mo 'to. Thank You, Princess, sigaw ni Lella Ford na isa sa malapit na kaibigan ng Kapuso housemate.
Sabi naman ng isa pa niyang kaibigan na si Ashley Sarmiento, “Grabe, pwede na siya [Princess Aliyah] magkaroon ng role na weightlifter after niyan.”
Pahabol naman ng fellow Kapuso ni Princess na si Marco Masa, “Weightlifting Princess na siya.”
“Dahil doon sa mga ginagawa nila Kuya mas na mo-motivate ako Kuya and mas napapaalala nila sa akin kung bakit ko 'to ginagawa and para kanino,” pagbabahagi naman ni Princess kay Big Brother.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Samantala, bago ito, una nang nasaksihan ang mga sakripisyong ginawa ni Miguel Vergara para sa mga kasama niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Sino kaya sa remaining housemates ang susunod na sasabak sa sacrifice task?
Abangan ang susunod na twists at surprises sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream