
Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng payo para sa aspiring Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemates ang Sparkle star na si Princess Aliyah.
Sa latest video na inupload ng Pinoy Big Brother sa social media, mapapanood ang mensahe ni Princess para sa mga gustong humabol sa audition para sa upcoming new edition.
Isa sa highlights ng tips na ibinahagi ng Kapuso star ay ang pagkakaroon ng buong loob sa pagdating sa pagpapakatotoo.
“Here are my audition tips. Number one and I think this is the most important one talaga, huwag na huwag kang matakot na magpakatotoo. Be genuine and be natural. Always be the best version of yourself. Do not try to be anybody else.”
Ayon pa kay Princess, naging kakampi niya ang pananampalataya niya noong nasa loob siya ng Bahay Ni Kuya.
“Huwag kang matatakot na ipaglaban 'yung gusto mong ipaglaban, kung bakit ka sumali ng PBB [Pinoy Big Brother]. Pangatlo, huwag n'yo kakalimutan magdasal talaga, 'yun lang talaga naging kakampi ko throughout my PBB journey,” sabi niya.
Si Princess Aliyah ang itinanghal na Kapuso Fourth Big Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Samantala, ang audition para sa bagong collab edition ay open para sa Filipinos worldwide na nasa edad 18 to 35 years old. Magtatapos ito sa darating na August 31.
Abangan pa ang next updates tungkol sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 sa GMANetwork.com.
Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'