
Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ay ang pagsalang ni Princess Aliyah sa Ultimate Tapatan.
Dito ay natanggap ni Princess ang, ayon sa kanya, pinaka-hate niyang tanong tungkol sa ex-housemates na sina Fred Moser at Waynona Collings.
Tanong ng taumbayan sa Kapuso housemate, “You supported Fred [Moser] and Waynona [Collings] from the start—but deep down, was there ever jealousy? Were you truly just supportive or was there a moment you saw Waynona as competition?”
Sagot at diretsong naging pahayag ni Princess tungkol dito, “Actually, 'yan ang pinaka-hate kong tanong. Truthfully po talaga, the first few weeks na bukambibig ni Fred si Waynona, supportive po talaga ako sa kanila and kay Waynona rin.”
“Honestly, wala talaga akong feelings or something for Fred no'n. Waynona is never a competition. For me, yes, never,” paglilinaw pa niya na hindi naging karibal ang tingin niya kay Waynona.
Kabilang ang FredCess o tambalan nina Fred Moser at Princess Aliyah sa mga isini-ship ng housemates sa Big Brother house at pati na rin sa outside world.
Samantala, patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream
Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0