GMA Logo Princess Hours
What's on TV

Princess Hours: Caitlyn, tuluyan na kayang tatalikuran ang pagiging crown princess?

By Aimee Anoc
Published December 11, 2025 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Negros Island Region Prosecution Office to enhance legal services delivery
Libreng papsmear at breast examination, handog ng GMAKF sa bayan ng San Miguel | 24 Oras
Sakop sa NPA nga dunay warrant of arrest sa kasong murder, dakpan | One Mindanao

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Hours


Ipinagtapat na ni Prince Yul sa mga nakatatanda sa palasyo ang pag-ibig kay Caitlyn.

Patuloy na umiinit ang tensyon sa pagitan nina Prince Shin (Ju Ji-hoon) at Prince Yul (Kim Jeong-hoon) sa palasyo.

Ito ay dahil sa pagnanais ni Prince Yul na tulungan si Caitlyn na makaalis na sa palasyo, habang ipinaglalaban naman ni Prince Shin ang nararamdaman para sa crown princess.

Sa teaser na inilabas ng Princess Hours, umiiyak na inamin ni Caitlyn na hindi na niya kayang gampanan pa ang anumang tungkulin bilang crown princess at nais na maging ordinaryong tao na lamang.

Samantala, mapagbibintangan si Prince Shin na suspek sa magaganap na sunog sa palasyo.

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Princess Hours, Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 2:30 p.m. sa GTV.

KILALANIN ANG CAST NG PRINCESS HOURS SA GALLERY NA ITO: