
Nasa alanganin na ang katayuan ng royal family dahil sa sunod-sunod na isyu sa pagsasama nina Prince Shin (Ju Ji-hoon) at Caitlyn (Yoon Eun-hye).
Matapos na iparating ni Caitlyn sa mga nakatatanda sa palasyo ang kagustuhan na maging isang ordinaryong tao na lamang kasabay ng pagtatapat ni Prince Yul (Kim Jeong-hoon) ng pag-ibig para sa kanya, napagdesisyunan ng hari na ipadala na lang muna sa ibang bansa ang crown princess.
Sa teaser na inilabas ng Princess Hours para sa finale nito, sinabi ni Caitlyn kay Prince Shin na aalis na lamang siya para sa ikabubuti ng royal family at ng prinsipe.
Tuluyan na nga bang magkakahiwalay sina Prince Shin at Caitlyn? O may pag-asa pang magkaroon ng happy ending ang kanilang love story?
Huwag palampasin ang finale ng Princess Hours ngayong Biyernes, 2:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG PRINCESS HOURS SA GALLERY NA ITO: