
Madadagdagan ang sakit at lungkot na nararamdaman ni Crown Princess Caitlyn (Yoon Eun-hye) ngayong malalaman na niya na nakasama ni Prince Shin (Ju Ji-hoon) si Bianca (Song Ji-hyo) sa pagbisita nito sa Thailand.
Sa teaser na inilabas ng Princess Hours, kokomprontahin ni Caitlyn si Prince Shin tungkol sa lumabas na balitang nakasama niya si Bianca sa Thailand.
Paano kaya ito ipapaliwanag ni Prince Shin kay Caitlyn?
Samantala, hindi mapigilang mag-alala ni Prince Yul para kay Caitlyn lalo na sa pressure na nararamdaman ng huli bilang crown princess.
Matulungan kaya ni Prince Yul (Kim Jeong-hoon) si Caitlyn sa pagsalubong nito sa pagbisita ni Prince William sa Korea?
Abangan ang Princess Hours, Lunes, Huwebes, at Biyernes, 2:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG PRINCESS HOURS SA GALLERY NA ITO: