
Dahil sa sunod-sunod na isyung kinasangkutan ni Prince Shin (Ju Ji-hoon), hindi naiwasang kuwestiyunin ng hari kung karapat-dapat pa nga ba itong maging tagapagmana ng trono.
Susubukan namang kausapin ng reyna si Bianca (Song Ji-hyo) nang malaman ang tangkang pagpapakamatay ng dalaga.
Samantala, ano kaya ang dahilan ng pagpunta ni Prince Shin sa tinutuluyan ni Bianca?
Hindi naman mapigilan ni Caitlyn (Yoon Eun-hye) na magtampo kay Prince Shin sa patuloy na pagharap nito nang mag-isa sa mga problema.
Abangan ang Princess Hours, Lunes, Huwebes, at Biyernes, 2:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG 'PRINCESS HOURS' SA GALLERY NA ITO: