
Gustong-gusto na ni Caitlyn (Yoon Eun-hye) na makaalis sa palasyo!
Sa teaser na inilabas ng Princess Hours, kinumpronta ni Caitlyn si Prince Shin (Ju Ji-hoon) na hirap na hirap na siya bilang crown princess, lalo na't nararamdaman niya na hindi naman siya mahal ng huli.
Tutulungan naman ni Prince Yul (Kim Jeong-hoon) si Caitlyn na makahanap ng paraan para makaalis na sa palasyo at mai-divorce si Prince Shin.
Sa isang TV interview, gulat na gulat si Caitlyn nang sabihin ni Prince Shin sa lahat ang pagmamahal nito para sa kanya.
Harap-harapan ding ipinaalam ni Prince Shin kay Caitlyn na totoo ang lahat ng kanyang sinabi at mahal niya ang prinsesa.
Abangan ang Princess Hours, Lunes, Huwebes, at Biyernes, 2:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG PRINCESS HOURS SA GALLERY NA ITO: