
Sumailalim na sa pagsasanay si Caitlyn (Yoon Eun-hye) para sa mga dapat niyang tandaan at gawin sa nalalapit na kasal nila ni Prince Shin (Ju Ji-hoon).
Pero hindi pa man ikinakasal, pinangakuan na si Caitlyn ng divorce ni Prince Shin kung sakaling mahirapan ito sa hinaharap at naisin nang umalis sa palasyo.
Hindi naman maiwasan ng inang reyna na mag-alala na magkamali si Caitlyn sa kasal nila ni Prince Shin. Nais nito na maging perpekto ang kasal.
Samantala, nakaabang na ang buong bansa sa royal wedding nina Prince Shin at Crown Princess Caitlyn.
Abangan 'yan sa Princess Hours, 2:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG PRINCESS HOURS SA GALLERY NA ITO: