What's on TV

Princess, pinakilala na ng Pamilya Cristobal

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 20, 2025 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo in Prinsesa Ng City Jail


Pinakilala na nina Sharlene (Beauty Gonzalez) at Raymond (Dominic Ochoa) sa kanilang mga kaibigan ang tunay na anak nilang si Princess (Sofia Pablo).

Simula nang makulong si Divina (Denise Laurel), maganda na ang naging takbo ng buhay ng pamilya nina Raymond (Dominic Ochoa), Sharlene (Beauty Gonzalez), at Princess (Sofia Pablo) sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Walang naging balakid sa balak nina Raymond at Sharlene na ipakilala na si Princess sa kanilang mga kaibigan bilang tunay nilang anak. Masaya na rin si Libby (Lauren King) para kay Princess dahil nakita na niya ang kabutihan ng puso nito.

Samantala, nagkita nang muli nina Raymond at Sharlene si Divina na nasa loob pa rin ng kulungan. Matagumpay kasing namanipula ni Divina si Libby na papuntahin ang Pamilya Cristobal sa city jail dahil gusto niyang humingi ng tawad.

Ang hindi nila alam, magiging madugo ang planong paghihiganti ni Divina laban sa kanilang pamilya.

Patuloy na tumutok sa huling dalawang episode ng Prinsesa Ng City Jail ngayong Biyernes at Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.