What's Hot

Princess Punzalan, abot-kamay na ang kanyang dream na maging artista sa Hollywood

By Aedrianne Acar
Published April 25, 2020 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Punzalan gets movie role in America


Iiwan na ba ng primera kontrabida Princess Punzalan ang kanyang trabaho bilang registered nurse sa Amerika?

Halos abot-kamay na ng magaling na aktres na si Princess Punzalan ang pangarap niya na maging artista sa Hollywood.

Princess Punzalan shares experience in the US during the COVID-19 pandemic

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute, ikinuwento ni Princess na isang Hollywood agent ang nakitaan siya ng potensyal habang siya ay nasa isang acting class.

Kuwento nito, "She saw what I did and then Billie who was my acting coach sent her my resume. She was interested and then ayun inofferan niya ako na kung gusto ko raw siya maging agent."

Nahanap naman niya ang kanyang Hollywood manager nang mag-post ito sa isang actor's group na naghahanap ito ng bagong talent na ima-manage.

Saad niya, "So out of the 96 posts na nag-respond sa kanya dalawa kami na binigyan kami ng sagot, ang sabi niya "email me."

"So ayun inemail ko sa kanya kung ano 'yung resume ko and acting reel ko."

Excited din ikinuwento ng versatile actress na may upcoming movie na siya na ang title ay "The Interview."

"I have a movie coming up and nasa pre-prodcution stage pa siya ang title is "The Interview" and I will be playing a role of the officer. and the movie is about the interview process pagka nag-aapply ng green card o kaya ng citizenship sa Amerika."

Bukod sa pag-pursue niya ng kanyang Hollywood dream, isang registered nurse si Princess Punzalan sa Amerika.

Plano na ba niya iwan ang kanyang trabaho?

Wika ni Princess, "I think I would have to because hindi naman araw-araw may trabaho bilang artista."

Dating napanood sa GMA afternoon soap na Yagit si Princess Punzalan noong 2015.




Princess Punzalan, opisyal nang bahagi ng GMA Afternoon Prime