GMA Logo Princess Velasco and Ryan Agoncillo
What's on TV

Princess Velasco, ikinuwento ang kakulitang ginawa noon ni Ryan Agoncillo sa kolehiyo

By Aimee Anoc
Published October 26, 2022 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Velasco and Ryan Agoncillo


Magka-batch sina Princess Velasco at Ryan Agoncillo noong kolehiyo sa De La Salle University.

Masayang binalikan ni Princess Velasco ang kakulitang ginawa noon ng college batchmate niyang si Ryan Agoncillo kaya nabato ito ng kanilang propesor.

Sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga noong Lunes, October 24, tinanong ni Paolo Ballesteros sina Princess at Ryan kung ano ang naging experience nila bilang magkaklase sa kolehiyo.

Ayon kay Ryan, college pa lamang ay singer at performer na si Princess. Sikat din daw ito sa kanilang campus dahil nagpe-perform ang grupo nito sa tuwing may mga program.

"Sila 'yung sa stage tapos 'yung org namin ako naman 'yung tagailaw nila, sa production naman nila," sabi ni Ryan.

Kuwento naman ni Princess, minsan na raw nabato si Ryan ng white board marker ng kanilang propesor.

Natatawang paliwanag ni Ryan, "'E kasi nagpatawa naman 'yung aming guro, 'e natawa ako. Ang problema mga sampung minuto na ang nakalipas, tumatawa pa rin ako. Ayun!"

Pagka-graduate sa college, limang taong nagtrabaho noon si Princess sa GMA Network kung saan nagsimula siya sa GMA New Media hanggang lumipat sa corporate strategic planning.

Wala raw sa isip ni Princess noon na pumasok sa showbiz. Aniya, "Kasi rati ang iniisip ko talaga parang hobby lang siya. Nag-aaral ka talaga ng course. Tapos nu'ng nag-work ako ganoon din, corporate talaga 'yung gusto ko. And then sideline o raket lang talaga 'yung singing."

Sa ngayon, isa si Princess sa recording artists ng GMA Music. Noong November 2021, ini-release ng singer ang latest single nitong "Ang Ating Pag-ibig," na isinulat bilang wedding gift sa kanya noon ng asawang si Mark Herbert Rosario.

KILALANIN SI PRINCESS VELASCO RITO: