GMA Logo Princess Velasco
What's Hot

Princess Velasco, nagpapasalamat sa oportunidad na ibinigay ng GMA Music para sa kantang 'Ang Ating Pag-ibig'

By Aimee Anoc
Published November 17, 2021 8:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Velasco


Mapakikinggan na sa Biyernes, November 19, ang bagong kanta ni Princess Velasco na "Ang Ating Pag-ibig."

Marami na ang excited sa pararating na kanta ni OPM Acoustic Princess at GMA Music artist Princess Velasco na "Ang Ating Pag-ibig' sa Biyernes, November 19.

Princess Velasco

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Princess sa suportang patuloy na natatanggap mula sa kanyang fans at sa GMA Music.

"Salamat na nariyan pa rin kayo. Maraming nagme-message na nami-miss nila 'yung mga acoustic version ko," pagbabahagi ni Princess.

Ipinangako rin ni Princess sa kanyang mga tagahanga na magpapatuloy siya sa pagkanta at paggawa ng acoustic versions ng mga awitin.

Noong November 16, nailabas na ang teaser ng recording ng bagong kanta ni Princess na "Ang Ating Pag-ibig."

Mapakikinggan ang full version ng "Ang Ating Pag-ibig" sa Biyernes (November 19) sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, GMA Music, at iba pang digital platforms worldwide.

Samantala, mas kilalanin pa si OPM Acoustic Princess at GMA Music artist Princess Velasco sa gallery na ito: