
Sa huling linggo ng GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nagkasama-sama nang muli ang totoong mga Cristobal.
Umuwi na sa kanilang bahay si Princess (Sofia Pablo) kasama ang totoo niyang magulang na sina Sharlene (Beauty Gonzalez) at Raymond (Dominic Ochoa).
Hindi rin nila kinalimutan ang naging anak nila sa mahabang panahon na si Libby (Lauren King) dahil hindi nila ito pinabayaan kahit na si Divina (Denise Laurel) ang tunay nitong ina.
Nagkapatawaran na rin si Sharlene at ang mother-in-law niyang si Sonya (Jean Saburit).
Nakakulong na rin si Divina sa city jail kung saan mahal ng mga person deprived of liberty si Princess at ang kanyang tatay-tatayan sa mahabang panahon na si Dado (Keempee de Leon).
Ano kaya ang magiging kapalaran ni Divina sa loob ng kulungan? Patuloy pa rin kaya niyang guguluhin ang buhay ng mga Cristobal?
Tutukan ang most satisfying finale week ng 'Prinsesa Ng City Jail,' Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.