
Umani ng papuri ang unang episode ng pinakabagong family drama ng GMA Afternoon Prime na Prinsesa ng City Jail na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Nagsimula na ang kuwento ni Princess (Sofia) kahapon, January 13, at maganda ang naging reaksyon ng mga manonood rito. Nagsimula kasi ang istorya sa isang talumpati ni Princess nang siya ay nakapagtapos ng high school.
Sa social network site na X, na dating kilala bilang Twitter, trending sa Pilipinas ang hashtag na #PrinsesaNgCityJail.
Pinuri rin ng mga manonood sina Sofia, Beauty Gonzalez, at Denise Laurel. Marami ang naawa kay Princess na nangungulila sa aruga ng isang ina.
Sa episode ngayong Martes, maghaharap na sa kulungan sina Sharlene (Beauty) at Divina (Denise) na parehong buntis.
Patuloy na samahan si Princess sa pagbibigay niya ng liwanag sa mundo ng mga bilanggo sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.