
Buong linggong panalo ang pinakabagong GMA Afternoon Prime family drama series na Prinsesa Ng City Jail na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Simula Lunes hanggang Biyernes noong nakaraang linggo, panalo sa ratings ang Prinsesa Ng City Jail lalo na't nang lumaki na si Princess.
Naglalaro sa 6 percent hanggang 7 percent ang ratings ng Prinsesa Ng City Jail, 'di hamak na mas mataas sa mga katapat nitong programa.
Ngayong nagkita na sina Princess at Xavier (Allen Ansay), magiging magkaibigan na kaya agad sila? Makakatulong ba si Xavier sa paghahanap ni Princess sa kanyang magulang?
Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.