
Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, magdamag inalagaan ni Sharlene (Beauty Gonzalez) si Princess (Sofia Pablo) sa loob ng kulungan dahil inaapoy ito ng lagnat.
Kinaumagahan, ramdam pa rin ang hidwaan ng dalawa lalo na at si Princess ang pinagbibintangang mastermind sa pag-kidnap sa anak ni Sharlene na si Libby.
Sa labas ng kulungan, bigla namang nawala si Leilani (Ayen Munji Laurel) sa ospital kaya patuloy pa rin siyang hinahanap ng anak niyang si Xavier (Will Ashley).
Ano kaya ang mangyayari sa mag-inang Princess at Sharlene sa loob ng kulungan? Mahanap kaya ni Xavier ang kanyang nawawalang ina?
Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.