GMA Logo Ayen Munji Laurel and Allen Ansay in Prinsesa Ng City Jail
What's on TV

Prinsesa Ng City Jail: Xavier, pinasok na sa city jail; inang si Leilani, nakalaya na

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 25, 2025 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ayen Munji Laurel and Allen Ansay in Prinsesa Ng City Jail


Nagpalit ng kalagayan sa buhay ang mag-inang Xavier (Allen Ansay) at Leilani (Ayen Munji Laurel) ngayong nakakulong na ang anak at nakalaya na ang ina.

Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nagkapalit na ang buhay na ginagalawan ang mag-inang Xavier (Allen Ansay) at Leilani (Ayen Munji Laurel).

Pinasok na sa city jail si Xavier matapos siyang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot samantalang nakalabas naman na si Leilani matapos ang ilang dekadang pamamalagi sa loob.

Ngayong nasa loob ng kulungan si Xavier, hindi pa rin tumitigil si Princess (Sofia Pablo) na mapag-ayos ang mag-ina. Sa katunayan, umabot na sa puntong naiinis na si Xavier kay Princess dahil sa pakikialam nito sa buhay niya.

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.