
Kinumpirma ni Priscilla Meirelles na divorce na siya sa dating asawa na si John Estrada matapos ang mahigit dalawang taon nang mag-file siya nito sa Brazil.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, February 13, inamin ni Priscilla na marami na ang nagbago sa buhay niya. Kabilang na dito ang panunumbalik ng kanyang ng peace of mind, ng kaniyang kasiyahan, at pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili.
“I really feel na 'yung bagong taon, bagong buhay ko,” sabi ni Priscilla.
Dito, inamin na rin ng dating aktres na divorced na siya sa dating asawa.
“Last year, I went to Brazil, and I started the process of divorcing him. Actually, not last year, 2024, bago ako actually mag-guest dito, I already went to Brazil. I didn't announce to anyone because ayoko na magsalita ng mga bagay na hindi pa napatunayan. I wanted to be ready na when I opened my mouth, it's a fact,” sabi ni Priscilla.
Para sa dating aktres, hindi na umano valid ang kasal nila ni John kaya siya nagpasya na mag-file ng divorce. Pagpapatuloy pa ni Priscilla, hindi na umano niya nakikita ang sarili na kasama ang aktor sa isang married life.
“I got married to him because I saw a future, I wanted to build something with him. And we did build something to a certain time, but a lot of things happened, Tito Boy, and our interests are not aligned anymore, our values are not aligned anymore, the things that we look forward to are not aligned anymore. We're just sharing a home,” sabi ni Priscilla.
At dahil wala nang saysay na manatiling kasal sa isang tao kung hindi na niya nakikita ang future nila na magkasama, nagdesisyon na siyang makipaghiwalay.
Nilinaw naman ni Priscilla na inilaban niya ang kanilang relasyon sa loob ng 14 na taon. Ngunit umabot din umano sa punto na hindi na niya kinaya.
“Tito Boy, 14 years. I fought for 14 years, and it got to a point na hindi ko na kaya, and I realized, after a lot of things that happened, that the best thing for me is really to move forward mag-isa,” sabi ni Priscilla.
Sa katunayan, pinagdasal pa niya ang kanilang marriage sa simbahan, nagpunta sa psychiatrist, at nakipagkita pa sa isang couple's therapy para lang maisalba ang kanilang kasal. Ngunit sa huli, tila walang nagawa ang mga ito.
“I was in a position, my mindset was one, his mindset was different; I wanted to save my family and he was having fun mag-isa,” sabi ni Priscilla.
Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang naging reaksyon ni John dito, pagbabahagi ni Priscilla, “He was not happy. The first sentenced he said, 'Pri, bakit ginawa mo 'yan?' And then sinasabi ko sa kaniya, 'Because as I've told you, I don't see myself sharing a life with you anymore, and I don't think that there is any reason to stay married to you if I don't see myself with you as my partner, as my companion. I don't see a future with you.'”
Nilinaw din ni Priscilla na pinilit ni John ilaban pa rin ang kanilang relasyon, at sinabi umano sa kaniya na bigyan siya ng pagkakataon, ngunit hindi na pumayag ang dating aktres.
Sa ngayon ay bukas naman si Priscilla na maging co-parent si John sa anak nilang si Anechka, at umaasang pananatilihin ng aktor ang magandang relasyon niya sa anak.
BALIKAN ANG ILANG CELEBRITY COUPLES NA NAUWI ANG KASAL SA DIVORCE SA GALLERY NA ITO: