
Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon nina Priscilla Meirelles at John Estrada, nilinaw naman ng aktres na ipinaglaban niya ito at pinilit isalba. Ngunit pag-amin ng aktres, umabot na sa puntong hindi na niya kayang ipagpatuloy pa ang kanilang relasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, February 13, inamin ni Priscilla na hiwalay na sila ni John. Sa katunayan, 2024 pa nang magpunta siya sa Brazil para asikasuhin ang kanilang diborsyo.
“We're no longer married. Which means, being isang foreigner, may karapatan ako to divorce my husband. So last year, I went to Brazil, and I started the process of divorcing him. Actually, not last year, 2024, bago ako actually mag-guest dito, I already went to Brazil,” sabi ni Priscilla.
Sabi ng aktres, hindi muna niya inanunsyo ang tungkol dito nang bumisita siya sa parehong GMA Afternoon Prime talk show noong 2025 dahil gusto niya na maging maayos muna ang divorce.
Ngunit paglilinaw ni Priscilla, ipinaglaban naman niya ang kanilang relasyon, “Tito Boy, 14 years. I fought for 14 years, and it got to a point na hindi ko na kaya, and I realized, after a lot of things that happened, that the best thing for me is really to move forward mag-isa.”
Pagbabahagi pa ni Priscilla, marami na siyang nagawa na hindi inaasahan ni John para lang isalba ang kanilang relasyon. Sa katunayan, may ilan pa ngang nagbabansag sa kaniya bilang isang martyr wife dahil dito, na pinabulaanan din naman ng aktres.
“I'm not. It's just that I was fighting for my family, and karapatan ko 'yan. I was fighting for my family, for myself, for my daughter,” sabi ni Priscilla.
“But it gets to a point, Tito Boy, that there is not much that you can give, keep in giving because naubos ka na. It got to a point na I realized na 'You know what? For my well-being, I need to get out of this situation because it's not doing any good and I don't see things getting any better,” sabi ni Priscilla.
BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA PRISCILLA AT JOHN SA GALLERY NA ITO:
Sinabi rin ni Priscilla na hindi lang siya ang sumubok na ipagpatuloy ang laban ng kanilang relasyon dahil maski si John, noong malaman niyang nakikipaghiwalay na ang aktres, ay pinilit pa rin na ayusin ang lahat.
“He was like, 'You know, if you allow me, maybe this is what I needed to realize.' Siguro, Tito Boy, sa utak niya, na-realize niya, 'Oh, totoo pala ito,'” pagbabahagi ni Priscilla ng parte ng reaksyon ni John.
Sinabi rin ni John sa isang panayam na si Priscilla ang best mother at woman na nakilala niya at na kung willing ang aktres, ay gusto niyang pakasalan muli.
Ngunit sabi ni Priscilla, “I was sad because it's sad for someone to acknowledge that, to realize that after they lost the person. It's a very sad place to be, Tito Boy. So I was sad because of the marriage of a family that was dissolved, I was sad that it's now too late, and I was sad that we are not on the same page because for me, there is no hope.”
Panoorin ang panayam kay Priscilla dito: