Ang #Eleksyon2016 live coverage ay magsisimula sa mismong araw ng eleksyon, May 9, simula 4:30 am hanggang Martes, May 10.
Patuloy ang paghahatid ng serbisyong totoo ng GMA News and Public Affairs sa pamamagitan ng Eleksyon 2016 live coverage sa mismong araw ng eleksyon, May 9, simula 4:30 am hanggang Martes, May 10.
Sa pangunguna ng pinagkakatiwalaang anchors at news reporters, ihahatid ng Eleksyon 2016 coverage ang mga importanteng balita mula sa mga voting precincts at mga kampo ng mga kandidato.
Dahil dito, hindi muna mapapanood ang mga palabas na ito sa May 9:
Unang Hirit
Shaman King
Yo-Kai Watch
Bleach
Dragon Ball Z
Knockout
Mako Mermaids
Hi School Love On
Yan Ang Morning
Princess in the Palace
Samantala, patuloy na mapapanood ang maiinit na balita tungkol sa eleksyon sa GMA News TV.
Babalik sa GMA ang Eleksyon 2016 coverage ng 4:30 pm - 6:30 pm para maghatid ng iba pang updates tungkol sa eleksyon.
Hindi muna mapapanood ang mga palabas na ito sa GMA:
The Millionaire’s Wife
GMA Blockbusters
Tuloy naman ang balitaan sa 24 Oras ng 6:30 - 8:00 pm.
Babalik ang Eleksyon 2016 coverage ng GMA ng 8:00 pm hanggang 11:00 pm. Dahil dito, hindi mapapanood ang mga programang:
Poor Señorita
Once Again
Because of You
Susundan ito ng Saksi ng 11:00 pm - 12:00 am. Simula 12:00, magpapatuloy magdamagan ang Eleksyon 2016 coverage hanggang 9:45 am ng May 10.
Dahil dito, hindi muna mapapanood ang mga palabas na ito sa May 10:
Unang Hirit
Shaman King
Yo-Kai Watch
Bleach
Dragon Ball Z
Knockout
Disclaimer: Maaaring mag-extend ang Eleksyon 2016 coverage kung may malaking balitang kailangang agad malaman ng sambayanan.