
Sa ikapitong linggo ng Prophecy of Love, sa kabila ng mga nakuhang ebidensya na magpapatunay sa mga krimen ni Nikolai (Nat Nattaraht Maurice Legrand), bigo pa rin sina Rose (Ice Preechaya Pongthananikorn), Timothy (James Jirayu Tangsrisuk), at Karl (Mai Warit Sirisantana) na mahuli ang una.
Bukod kay Nikolai, patuloy na gumagawa ng paraan sina Rose at Timothy para mapagbayaran ni Thompson (Petch Krunnapol Teansuwan) ang tangkang pagpatay kay Rylie (Pear Pitchapa Phanthumchinda).
Sa harap ng press, inamin na ni Rylie ang tunay na relasyon kay Thompson at ang panloloko nito sa kanya. Nalaman na rin ni Wat, asawa ni Thompson, na pera lamang ang habol ng huli sa kanya.
Samantala, sinubukang gamitin ni Rose ang art of prophecy para makita ang sariling kapalaran. Dito nakita niya ang sarili na tumatakas mula kay Thompson at ang pagbaril ng huli kay Timothy.
Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Prophecy of Love, 9:00 a.m. sa GMA.
Inside link:
Balikan ang mga eksena sa Prophecy of Love:
Prophecy of Love: Rose tries to rescue Rawi | Episode 31
Prophecy of Love: Nikolai says goodbye | Episode 32
Prophecy of Love: Rose tries to escape the truth | Episode 33
Prophecy of Love: Rylie reveals the truth | Episode 35
Prophecy of Love: The art of prophecy | Episode 35
eeeeeeeeeeeee