
Tuloy ang celebration ng love month at exciting na “More Tawa, More Saya, More Love” episodes sa Family Feud.
Sa episode na ito, doble ang saya at inspirasyon sa paghaharap ng team captains na kapwa proud members ng little people community.
Leader ng Team Baby Giant, ang internet sensation na si Baby Giant o Renz Joshua Baña. Mula sa pagiging viral content creator, isa na siyang kinikilalang aktor na may mahigit 3 milyong followers. Makakasama niya ang real-life couple na sina Apple at AC, na may pinagsamang 2 milyong followers at may kilig-worthy chemistry. Kukumpleto sa kanilang grupo ang Facebook comedian na si Maka Highblood na nakilala sa kaniyang relatable vlogs at high-energy skits.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Pangungunahan naman ng multi-talented personality na si Jkhriez Pastrana ang Team Online Barkada. Bilang anak ng komedyanteng si Dagul, patuloy niyang binubuo ang sariling pangalan bilang singer, content creator, at PWD advocate, habang nag-aaral ng pre-law.
Kasama niya sa Team Online Barkada ang travel at lifestyle queen na si Carol Reyes na may kahanga-hangang 7.8 milyong combined followers sa Facebook at TikTok; ang pride ng Batangas na si Dindo Caraig na kilala sa kaniyang versatility bilang actor-creator; at ang rising comedy personality na si BK na may dalang sharp humor sa Family Feud stage.
Barkada feud ang mapapanood sa paghaharap ng Team Baby Giant at Online Barkada sa Family Feud ngayong February 19, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!