GMA Logo
What's Hot

Psalms David, may handog na kanta sa mga broken-hearted

Published March 27, 2020 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ebola outbreak is continuing to outpace the response, says WHO
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News



Inaalay daw ni Psalms David ang kanyang awitin sa mga katulad niyang nakaranas na ng mga problema habang nasa isang relasyon.

Ipinagmamalaki ng GMA Music ang bago nitong handog sa loyal listeners ang debut single ng The Clash Season 1 alumnus na si Psalms David na pinamagatang 'Di Na Magtatagal.'

Sa panulat ni Mark Moses Valdellon, ang ballad na ito ay tungkol sa pagiging sawi sa pag-ibig at kung paano ito tatanggapin. Isinasalaysay din nito ang mga pagsubok na pagdaraanan ng mga magkasintahan.

Ayon kay Psalms, inaalay niya ang awiting ito sa mga katulad niyang nakaranas na ng mga problema habang nasa isang relasyon.

“I can very much relate to the song, not just because I already experienced it but because it made me more aware about the realities of love and relationships.”

Dagdag niya, sinasalamin din ng 'Di Na Magtatagal' ang katotohanan sa pagtanggap ng kamalian at pagpapalaya ng isa't isa, kahit gaano man ito kasakit.

Mapapakinggan na ito ng fans sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide. Puwede rin itong i-request sa Barangay LS 97.1 at sa mga pop radio stations sa bansa.