
Kakaibang Alden Richards ang mapapanood sa psychological horror crime drama film na The Road.
Directed by Yam Laranas, ito ay tungkol sa isang cold case na mabubuksan muli matapos ang mahigit isang dekada.
Gaganap dito si Alden bilang Luis, isang binatang nakatira sa isang liblib na lugar at may itinatagong malaking sikreto. Makikilala niya ang magkapatid na sina Lara (Rhian Ramos) at Joy (Louise delos Reyes) nang tumirik ang sasakayan ng mga ito malapit sa kanyang bahay.
Huwag palampasin ang offbeat role ng Asia's Multimedia Star na si Alden sa The Road, sa September 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Tunghayan din ang real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa musical romantic drama na LSS.
Gaganap si Gabbi bilang aspiring musician na si Sara. Si Khalil naman ay ang torpeng si Zak. Magkakakilala sila dahil sa hilig nila sa musika ng Pinoy indie-folk band na Ben & Ben.
Panoorin ang LSS, August 31, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.