GMA Logo barbie forteza in beauty empire
What's on TV

Puksaan finale ng 'Beauty Empire,' mapapanood na ngayong Huwebes

By Jansen Ramos
Published October 1, 2025 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano ang malagim na sinapit ng lalaking kumukuha ng bola ng pickleball? | GMA Integrated Newsfeed
Local budget airline announces Manila-Riyadh routes
GMA Pinoy TV Lights Up at the GMA Network Center with a Billboard That Spreads Joy: 'Home for the Holidays!'

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza in beauty empire


Huwag palampasin ang huling episode ng GMA, Viu, at CreaZion Studios drama series na 'Beauty Empire' ngayong Huwebes, October 2, 9:35 p.m. sa GMA Prime.

Matapos ang 13 linggo, nakatakda nang magwakas ang pinakamagandang kuwento ng laban sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.

Sa 'Puksaan Finale' ng Beauty Empire, magkakaalaman na kung ano ang kahihinatnan ng mga plano ni Noreen (Barbie Forteza) na mapabagsak si Eddie Imperial (Sid Lucero).

Matapos niyang ibunyag na buhay si Velma (Ruffa Gutierrez), pupunta sa isang venue si Shari (Kyline Alcantara) kasama si Eddie kung saan may burol na naka-set up at magpapakita rito si Noreen. Sa puntong ito, lalabas si Velma para komprontahin ang asawa niyang si Eddie habang naka-live sa social media channels ni Noreen.

Ilalayo ni Noreen si Shari para tanungin kung kay Eddie niya ba talaga gusto kumampi. Magmamakaawa si Noreen kay Shari na bumalik sa kanila dahil gagamitin lang siya ni Eddie.

Papasok sa venue ang mga pulis para hulihin si Eddie pero gagawin niyang hostage si Noreen.

Samantala, mapapanood na rin ang inaabangang paglabas ng Pambansang Ginoo na si David Licauco sa serye.

RELATED CONTENT: NARITO ANG PASILIP SA GUEST APPEARANCE NI DAVID LICAUCO SA BEAUTY EMPIRE

Pinagbibidahan ang Beauty Empire nina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Sid Lucero, Sam Concepcion, Chai Fonacier, at Ruffa Gutierrez, kasama sina Gloria Diaz at Choi Bo-Min.

Mapapanood ang huling dalawang episode ng Beauty Empire ngayong Miyerkules at Huwebes, October 1 and 2, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Ipinapalabas din ito sa Viu.