GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Puksaan ng beauty queens na sina Keylyn Trajano at Imelda Schweighart, panoorin mamaya sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 19, 2026 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCO: Marcos doing 'very good' in dual role during ASEAN-Russia Summit
Body recovered from landslide site in Glan almost 2 weeks since quake
Gabbi Garcia goes back to work with this French designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Narito ang mga makakasama nina Keylyn Trajano at Imelda Schweighart sa 'Family Feud' ngayong June 19.

Ang beauty queens na sina Keylyn Trajano at Imelda Schweighart ang magpapagalingan sa pagsagot sa Family Feud!

Ngayong June 19, mapapanood sa Family Feud ang isang exciting na sagupaan ng dalawang grupong binubuo ng mga beauty queen at ng kanilang glam squad. Asahan ang masayang laban na susubok sa kanilang talino, teamwork, at galing sa pagsagot ng mga survey questions!

Pinangungunahan ni Keylyn Trajano, ang reigning Miss MGI All-Stars Philippines 2026, ang Team Susi. Isa si Keylyn sa limang Filipina candidates na nag-represent sa bansa sa kauna-unahang Miss MGI All-Stars 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Kasama ni Keylyn ang kanyang trusted team na laging nasa likod ng kanyang pageant journey. Si Rian Fernandez, ang world-class Filipino couture designer na nakapagbihis na ng mga kandidata sa ilang pageants; si Ethan Leyson, ang road manager ni Keylyn at katuwang niya behind the scenes; at si Luigi Cabalin, ang go-to stylist ni Keylyn.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, handang makipagsabayan sa pagsagot ang Team Rambutanerzzz, na pinangungunahan ni Imelda Schweighart, ang Miss Philippines Earth 2016. Tulad ni Keylyn, isa rin si Imelda sa limang Filipina representatives na naging bahagi ng kauna-unahang Miss MGI All-Stars 2026.

Kasama ni Imelda sa Family Feud stage ang kanyang powerhouse creative team. Si Ken Adrianne Batino, isang stylist at designer na kilala sa kanyang eleganteng fashion creations; si Jevin Salaysay, isa ring stylist at designer na nagbibigay-buhay sa bawat look sa pamamagitan ng kanyang creativity at artistry; at si Kervin Lao, isang entrepreneur at vlogger.

Abangan ang kanilang ultimate showdown sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 19, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.