
Isang bagong parangal ang natanggap ng wartime family drama series na Pulang Araw.
Hinirang ito bilang Pinakapasadong Programa sa Telebesiyon ng 27th Gawad Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) o Gawad Pasado.
Bukod dito, pinarangalan din si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang Pinakapasadong Aktres sa Telebisyon dahil sa kanyang pagganap sa serye.
Ang Pulang Araw ay kuwento ng apat na magkakaibigang pinaghiwa-hiwalay ng digmaan noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong World War II.
Pinagbibidahan ito nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards, kasama si Dennis Trillo.
Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata at panulat ni Suzette Doctolero.
SILIPIN ANG IBA PANG KAPUSO WINNERS NG 27TH GAWAD PASADO DITO: